Isang nagliligtas. Si Jesucristo, sa pamamagitan ng kanyang pagbabayad-sala ay naghain ng pagtubos at kaligtasan sa buong sangkatauhan. Sinagip niya ang lahat mula sa pagkaalipin ng kamatayan at ang nagsisisi mula sa parusa ng kasalanan. Ang Tagapagligtas ay isang pangalan ni Jesucristo.
Ang pangalang itatawag sa kanya’y Jesus: sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan, Mat. 1:21 .
Ipinanganak sa inyo ngayon ang isang Tagapagligtas, na si Cristo ang Panginoon, Lu. 2:11 .
Gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan na ang Bugtong na Anak ay pumarito upang iligtas ang mga tao, Juan 3:16–17 .
Walang ibang pangalan liban kay Cristo na sukat ikaligtas ng tao, Gawa 4:10–12 (2 Ne. 25:20 ; Mos. 3:17 ; 5:8 ; D at T 18:23 ; Moi. 6:52 ).
Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas, Rom. 11:26 .
Mula sa langit ay hinihintay natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo, Fil. 3:20 .
Isinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanlibutan, 1Â Juan 4:14 .
Nagbangon ang Panginoon ng isang Mesiyas, isang Tagapagligtas ng sanlibutan, 1Â Ne. 10:4 .
Ang Kordero ng Diyos ang Tagapagligtas ng sanlibutan, 1Â Ne. 13:40 .
Ang kaalaman tungkol sa isang Tagapagligtas ay kakalat sa lahat ng bawat bansa, lahi, wika, at tao, Mos. 3:20 .
Kinakailangang si Cristo ay mamatay upang dumating ang kaligtasan, Hel. 14:15–16 .
Makatarungan at totoo ang katwiran at pagpapabanal sa pamamagitan ng Tagapagligtas, D at T 20:30–31 .
Ako si Jesucristo, ang Tagapagligtas ng sanlibutan, D at T 43:34 .
Kinikilala ng mga Banal ang Anak ng Diyos na kanilang Manunubos at Tagapagligtas, D at T 138:23 .
Ang Aking Bugtong na Anak ang Tagapagligtas, Moi. 1:6 .
Kasindami ng mga maniniwala sa Anak at magsisisi ng kanilang mga kasalanan ay maliligtas, Moi. 5:15 .