Mga Tulong sa Pag-aaral
Nauvoo, Illinois (USA)


Nauvoo, Illinois (USA)

Isang lunsod na itinayo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1839 sa estado ng Illinois. Ito ay matatagpuan sa Ilog ng Mississippi, mga 320 kilometro paakyat ng ilog mula sa St. Louis.

Dahil sa mga pag-uusig sa estado ng Missouri, ang mga Banal ay lumikas nang may 320 kilometro patungong hilagang silangan, sa kabila ng Ilog ng Mississippi, at sa Illinois, kung saan sila nakakita ng mas mainam na kalagayan. Nang maglaon, bumili ang mga Banal ng lupaing malapit sa di maunlad na lunsod ng Commerce. Ang lupaing ito ay halos latiang ilang na may iilang pangkaraniwang gusali. Pinatuyo ng mga Banal ang lupain at nagtayo ng mga tahanan. Inilikas ni Joseph Smith ang kanyang mag-anak sa isang maliit na bahay na yari sa troso. Ang pangalan ng lunsod na Commerce ay binago sa Nauvoo, na isinunod sa salitang Hebreo na “maganda.”

Ilan sa bahagi ng Doktrina at mga Tipan ay itinala sa Nauvoo (D at T 124–129, 132, 135). Ang mga Banal ay sinabihang magtayo ng isang templo sa Nauvoo (D at T 124:26–27). Nagtayo sila ng templo at nagtatag ng mga istaka ng Sion bago sila itinaboy sa kanilang mga tahanan noong 1846. Bunga ng pag-uusig na ito, nilisan ng mga Banal ang pook na ito at sila ay nagtungo sa kanluran.