Helaman, Anak ni Helaman
Isang propeta at tagapag-ingat ng talaan sa Aklat ni Mormon na nagturo sa mga taong Nephita. Apo siya ng Nakababatang Alma at ama ni Nephi na binigyan ng kapangyarihan sa lahat ng elemento (Hel. 5–10). Kasama ang kanyang anak na si Nephi, sinulat ni Helaman ang aklat ni Helaman.
Ang aklat ni Helaman
Inilalarawan sa mga kabanata 1–2 ang isang panahon ng malaking kaguluhang pulitikal. Natatala sa mga kabanata 3–4 na sina Helaman at Moronihas, punong-kapitan ng mga hukbong Nephita, ay natamo rin pansamantala ang kapayapaan. Gayunpaman sa kabila ng pamumuno ng mabubuting taong ito, naging napakasama ng mga tao. Sa mga kabanata 5–6 ibinigay ni Nephi ang hukumang luklukan, katulad ng ginawa ng kanyang ninunong si Alma, upang magturo sa mga tao. Pansamantalang nagsisi ang mga tao. Gayunpaman sa mga kabanata 6–12 naging masama ang bansang Nephita. Ang mga huling kabanata, 13–16, ay naglalaman ng kahanga-hangang ulat ng isang propeta na tinawag na Samuel, ang Lamanita na naghayag sa pagsilang at pagpapako sa krus ng Tagapagligtas at ang mga palatandaan na magiging tanda ng mga pangyayaring yaon