Zacarias (Lumang Tipan)
Isang propeta sa Lumang Tipan na nagpropesiya noong mga 520Â B.C. Nabuhay siyang kasabay ni Propetang Hageo (Ezra 5:1; 6:14).
Ang aklat ni Zacarias
Ang aklat ay tanyag sa mga propesiyang tungkol sa ministeryo sa lupa ni Cristo at sa kanyang ikalawang pagparito (Zac. 9:9; 11:12–13; 12:10; 13:6). Nilalaman sa mga kabanata 1–8 ang mga sunud-sunod na pangitain tungkol sa hinaharap ng mga tao ng Diyos. Nilalaman sa mga kabanata 9–14 ang mga pangitain tungkol sa Mesiyas, sa mga huling araw, ang pagtitipon ng Israel, ang pinakahuling malaking digmaan, at ang Ikalawang Pagparito.