Pamatok Tingnan din sa Disipulo Isang kagamitang inilalagay sa leeg ng mga hayop o tao upang gamitin silang magkasama. Ang pamatok ni Cristo ay isang sagisag ng pagiging disipulo, samantalang ang pamatok ng pagkaalipin ay sagisag ng kapighatian. Ang aking pamatok ay malambot, at ang aking pasanin ay magaan, Mat. 11:29–30. Huwag kayong makipamatok ng kabilang sa mga di nagsisisampalataya, 2 Cor. 6:14. Huwag pasakop sa pamatok ng pagkaalipin, Gal. 5:1. Ni hindi namin nais na dalhin ang sinuman sa singkaw ng pagkaalipin, Alma 44:2. Ang mga pagdurusa ng mga Banal ay isang bakal na pamatok, isang matibay na panggapos, at mga tanikala ng impiyerno, D at T 123:1–3, 7–8.