Seksuwal na Imoralidad Tingnan din sa Mahalay, Kahalayan; Pakikiapid; Pangangalunya Sadyang pakikiapid, pangangalunya, homoseksuwal, katomboyan, o iba pang kasamaan, di pangkaraniwan, o malalaswang gawain. Painumin natin ng alak ang ating ama, at sisiping tayo sa kanya, Gen. 19:30–36. Yumaon si Ruben at sumiping kay Bilha na babae ng kanyang ama, Gen. 35:22 (Gen. 49:4; 1 Cron. 5:1). Ang homoseksuwal at iba pang kalaswaan ay karumal-dumal, Lev. 18:22–23. Kung dahasin ng lalaki ang isang dalaga at sumiping sa kanya, ang lalaki lamang ang nagkasala, Deut. 22:25–27. Ang bawat tumingin sa isang babae nang may pagnanasa sa kanya ay nagkakasala na ng pakikiapid sa kanyang puso, Mat. 5:28 (3 Ne. 12:28). Pangangalunya, karumihan, masamang pita ay pagsamba sa mga diyus-diyusan, Col. 3:5. Sa mga huling araw walang katutubong pag-ibig ang mga tao, 2 Tim. 3:1–3. Nakasusuklam ang seksuwal na kasalanan, Alma 39:3–5.