Ilog Jordan
Dumadaloy ang Ilog Jordan mula sa dagat ng Galilea patungo sa Dagat na Patay. Ang ilog ay 160 kilometro ang haba at binubuo ng ilang pinag-isang bukal na dumadaloy mula sa Bundok ng Hermon. Pinakamahalagang ilog ito sa Israel.
Ang dalawang mahahalagang pangyayari na may kaugnayan sa ilog na ito ay ang pagkakahati ng Panginoon ng ilog para sa pagtawid ng Israel (Jos. 3:14–17), at ang pagbibinyag kay Jesucristo (Mat. 3:13–17; 1 Ne. 10:9).