Pagtataguyod sa mga Pinuno ng Simbahan Tingnan din sa Pangkalahatang Pagsang-ayon Mangakong itaguyod sila na mga naglilingkod sa pangkalahatan at lokal na mga tungkuling pangpinuno ng Simbahan. Iharap mo si Josue sa lahat ng kapisanan, at pagbilinan mo siya sa kanilang paningin, Blg. 27:18–19. Ang buong bayan ay sumigaw, at nagsabi, Mabuhay ang hari, 1 Sam. 10:24. Sumampalataya kayo sa kanyang mga propeta, sa gayo’y giginhawa kayo, 2 Cron. 20:20. Magsitalima kayo sa namumuno sa inyo, Heb. 13:17. Ikaw ay kakasihan ng Panginoon, sapagkat ikaw ay hindi bumubulung-bulong, 1 Ne. 3:6. Sila na mga tumanggap sa mga propeta ay pinatawad, 3 Ne. 10:12–13. Tumalima sa mga salita ng labindalawang ito, 3 Ne. 12:1. Sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa, D at T 1:38. Ang kanyang salita ay inyong tatanggapin, na parang mula sa sarili kong bibig, D at T 21:5. Siya na tumatanggap sa aking mga tagapaglingkod, ay tumatanggap sa akin, D at T 84:35–38. Ang sinumang tumatanggap sa akin, tumatanggap sa yaong aking isinugo, D at T 112:20. Kung ang aking mga tao’y hindi makikinig sa tinig ng mga taong ito na aking itinalaga, sila ay hindi pagpapalain, D at T 124:45–46.