Mga Tulong sa Pag-aaral
Kawikaan


Kawikaan

Isang maikling salawikaing may aral o payo.

Ang aklat ng Mga Kawikaan

Isang aklat sa Lumang Tipan na naglalaman ng maraming talinghaga, salawikain, at tula, ang ilan sa mga ito ay isinulat ni Solomon. Kadalasang inuulit ang aklat ng Mga Kawikaan sa Bagong Tipan.

Naglalaman ang mga kabanata 1–9 ng paliwanag ng tunay na karunungan. Nilalaman sa mga kabanata 10–24 ang mga tinipong salawikain tungkol sa tama at maling pamamaraan ng pamumuhay. Nilalaman sa mga kabanata 25–29 ang mga kawikaan ni Solomon na itinala ng mga tao ni Hezekias, hari ng Juda. Napapaloob sa mga kabanata 30–31 ang paglalarawan ng isang malinis na babae.