Pagtitiwala sa isang bagay o isang tao. Katulad ng pinakamadalas gamitin sa mga banal na kasulatan, ang pananampalataya ay matibay na paniniwala at pananalig kay Jesucristo na umaakay sa isang tao upang sumunod sa kanya. Kailangang ang pananampalataya ay nakatuon kay Jesucristo upang ito ang umakay sa isang tao tungo sa kaligtasan. Mayroon ding pananampalataya ang mga Banal sa mga huling araw sa Diyos Ama, Espiritu Santo, kapangyarihan ng pagkasaserdote, at iba pang mahahalagang bahagi ng pinanumbalik na ebanghelyo.
Sinasaklaw ng pananampalataya ang pag-asa sa mga bagay na hindi nakikita ngunit totoo (Heb. 11:1 ; Alma 32:21 ; Eter 12:6 ). Pinasiklab ang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig sa ebanghelyo na ituro ng may mga karapatang tagapangasiwa na isinugo ng Diyos (Rom. 10:14–17 ). Hindi nagbubunga ang mga himala ng pananampalataya; subalit nahuhubog ang malakas na pananampalataya sa pagsunod sa ebanghelyo ni Jesucristo. Sa madaling salita, nagmumula ang pananampalataya sa kabutihan (Alma 32:40–43 ; Eter 12:4, 6, 12 ; D at T 63:9–12 ).
Nagdadala ang tunay na pananampalataya ng mga himala, pangitain, panaginip, pagpapagaling, at lahat ng kaloob ng Diyos na kanyang ibinibigay sa kanyang mga Banal. Sa pamamagitan ng pananampalataya, ang isa ay makatatamo ng kapatawaran ng mga kasalanan at sa malaon ay makapananahan sa kinaroroonan ng Diyos. Umaakay ang kawalan ng paniniwala sa isa patungo sa kawalan ng pag-asa, na dumarating dahil sa kasamaan (Moro. 10:22 ).
Pinagaling ka ng iyong pananampalataya, Mat. 9:22 (Mar. 5:34 ; Lu. 7:50 ).
Mangyayari sa inyo alinsunod sa inyong pananampalataya, Mat. 9:29 .
Kung magkakaroon kayo ng pananampalataya na kasinlaki ng butil ng binhi ng mustasa, walang di maaaring mangyari sa inyo, Mat. 17:20 (Lu. 17:6 ).
Nanalangin ako para sa inyo, na huwag magkulang ang inyong pananampalataya, Lu. 22:32 .
Ang pananampalataya sa pangalan ni Cristo ang nagpalakas sa taong ito, Gawa 3:16 .
Dumarating ang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig sa salita ng Diyos, Rom. 10:17 .
Kung hindi bumangon si Cristo, wala ring kabuluhan ang inyong pananampalataya, 1Â Cor. 15:14 .
Gumagawa ang pananampalataya sa pamamagitan ng pag-ibig, Gal. 5:6 .
Sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, Ef. 2:8 (2 Ne. 25:23 ).
Taglayin ang kalasag ng pananampalataya, Ef. 6:16 (D at T 27:17 ).
Natapos ko na ang aking gawain, iningatan ko ang pananampalataya, 2 Tim. 4:7 .
Ang pananampalataya ay kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, Heb. 11:1 .
Hindi maaaring maging kalugud-lugod sa kanya kung walang pananampalataya, Heb. 11:6 .
Ang pananampalataya, kung wala itong mga gawa, ay patay, Sant. 2:17–18, 22 .
Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon, 1Â Ne. 3:7 .
Kayang gawin ng Panginoon ang lahat ng bagay alang-alang sa mga anak ng tao, kung ginagamit nila ang pananampalataya sa kanya, 1Â Ne. 7:12 .
Gumagalaw ang mga panuro sa Liahona alinsunod sa pananampalataya, 1Â Ne. 16:28 .
Magsisi at magpabinyag sa kanyang pangalan, nang may ganap na pananampalataya sa Banal, 2Â Ne. 9:23 .
Gumagawa ng mga dakilang himala si Cristo sa mga anak ng tao alinsunod sa kanilang pananampalataya, 2 Ne. 26:13 (Eter 12:12 ; Moro. 7:27–29, 34–38 ).
Pinatawad ang mga kasalanan ni Enos dahil sa kanyang pananampalataya kay Cristo, Enos 1:3–8 .
Ang kaligtasan ay di mapapasa kaninuman, maliban sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesucristo, Mos. 3:12 .
Ang mga puso ay nagbago sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanyang pangalan, Mos. 5:7 .
Tinutugon ang mga panalangin ng mga tagapaglingkod ng Diyos alinsunod sa kanilang pananampalataya, Mos. 27:14 .
Bigyan kami ng lakas alinsunod sa aming pananampalataya kay Cristo, Alma 14:26 .
Tumawag sa pangalan ng Diyos sa pananampalataya, Alma 22:16 .
Ang pananampalataya ay hindi ang pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa mga bagay, Alma 32:21 (Eter 12:6 ).
Habang ito ay nagsisimulang lumaki gayon pa man alagaan ito ng inyong pananampalataya, Alma 33:23 (Alma 32:28 ).
Ang kanilang pagkakaligtas ay ipinalagay sa kahima-himalang kapangyarihan ng Diyos dahil sa kanilang labis na pananampalataya, Alma 57:25–27 .
Kasindami ng titingin sa Anak ng Diyos nang may pananampalataya ay mabubuhay, Hel. 8:15 .
Nakikita kong sapat ang inyong pananampalataya upang kayo ay pagalingin ko, 3Â Ne. 17:8 .
Ang pananampalataya ay mga bagay na inaasahan at hindi nakikita, Eter 12:6 .
Ang lahat silang gumagawa ng mga himala ay ginagawa ang mga ito sa pamamagitan ng pananampalataya, Eter 12:12–18 .
Kung sila ay may pananampalataya sa akin, sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila, Eter 12:27–28, 37 .
Itinuro ni Mormon ang tungkol sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa kapwa-tao, Moro. 7 .
Kahit anong bagay ang inyong hihilingin sa Ama sa aking pangalan, kung alin ay mabuti, nang may pananampalataya, naniniwalang iyon ay matatanggap ninyo, masdan, iyon ay gagawin sa inyo, Moro. 7:26 .
Sila na may pananampalataya kay Cristo ay kakapit sa bawat mabubuting bagay, Moro. 7:28 .
Kung kayo ay magtatanong nang may pananampalataya kay Cristo, ipaaalam niya ang katotohanan, Moro. 10:4 .
Kung walang pananampalataya ay wala kang magagawa; samakatwid humingi nang may pananampalataya, D at T 8:10 .
Ito ay ipagkakaloob sa kanila alinsunod sa kanilang pananampalataya sa kanilang mga panalangin, D at T 10:47, 52 .
Ang lahat ng tao ay kailangang magtiis sa pananampalataya sa kanyang pangalan hanggang wakas, D at T 20:25, 29 .
Ang pagbibigay-katwiran sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo ay makatarungan at totoo, D at T 20:30 .
Ang Espiritu ay ibibigay sa inyo sa pamamagitan ng pananalangin nang may pananampalataya, D at T 42:14 .
Hindi dumarating ang pananampalataya sa pamamagitan ng mga palatandaan, subalit kasunod ang mga palatandaan sa mga yaong naniniwala, D at T 63:9–12 .
Turuan ng mga magulang ang mga anak ng pananampalataya kay Cristo, D at T 68:25 .
Maghangad ng karunungan, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya, D at T 88:118 .