Harris, Martin
Isa sa Tatlong Saksi sa banal na pinagmulan at katotohanan ng Aklat ni Mormon. Tumulong siya sa pananalapi kay Joseph Smith at sa Simbahan. Hiniling ng Panginoon kay Martin Harris na ipagbili ang kanyang ari-arian at ibigay ang kanyang mga laang-salapi upang ibayad para sa paglalathala ng Aklat ni Mormon (D at T 19:26–27, 34–35); upang maging isang halimbawa sa Simbahan (D at T 58:35); at upang tumulong sa pagbabayad ng mga gugol ng paglilingkod (D at T 104:26).
Itiniwalag si Martin Harris sa Simbahan subalit sa huli ay bumalik din sa pagiging ganap na kasapi. Hanggang sa katapusan ng kanyang buhay ay nagpatotoo siya na nakita niya ang anghel na si Moroni at ang mga laminang ginto kung saan nagmula ang isinalin ni Joseph Smith na Aklat ni Mormon