Pagkahabag Tingnan din sa Awa, Maawain; Pag-ibig sa Kapwa-tao; Pagmamahal Sa mga banal na kasulatan, ang pagkahabag ay literal na nangangahulugang “pakikiramay”. Nangangahulugan din ito ng pagpapakita ng pakikidalamhati, pakikipighati, at awa para sa ibang tao. Tinawag ng Panginoon ang kanyang mga tao na magpakita ng pagkahabag, Zac. 7:8–10. Nahabag si Jesus, Mat. 9:36 (Mat. 20:34; Mar. 1:41; Lu. 7:13). Isang Samaritano ang nahabag sa kanya, Lu. 10:33. Mahabag sa isa’t isa, 1 Ped. 3:8. Si Cristo ay puspos ng habag sa mga anak ng tao, Mos. 15:9. Ang aking sisidlan ay puspos ng habag sa inyo, 3 Ne. 17:6. Nanalangin si Joseph Smith upang kahabagan ng Panginoon, D at T 121:3-5.