Pagsisinungaling Tingnan din sa Mapanlinlang, Manlinlang, Panlilinlang; Matapat, Katapatan; Pagsasalita nang Masama Anumang pagpapabatid ng kabulaanan o mali sa layuning makalinlang. Huwag kayong magnanakaw, ni mandaya, ni magsinungaling, Lev. 19:11. Aking kinapopootan at kinasusuklaman ang pagsisinungaling, Awit 119:163. Ang mga sinungaling na labi ay karumal-dumal sa Panginoon, Kaw. 12:22. Sila’y aking mga tao na hindi magsisigawang magsinungaling, Is. 63:8. Ang diyablo ay isang sinungaling, at ama ng mga kasinungalingan, Juan 8:44 (2 Ne. 2:18; Eter 8:25; Moi. 4:4). Hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Diyos, Gawa 5:4 (Alma 12:3). Kung sinabi ng isang tao, Ako’y umiibig sa Diyos, at napopoot sa kanyang kapatid, ay isang sinungaling, 1 Juan 4:20. Lahat ng sinungaling ay may bahagi sa ikalawang kamatayan, Apoc. 21:8 (D at T 63:17). Sa aba sa mga sinungaling, sapagkat sila ay itatapon sa impiyerno, 2 Ne. 9:34. Maraming magtuturo ng maling doktrina, nagsasabing: magsinungaling nang kaunti at walang masama rito, 2 Ne. 28:8–9 (D at T 10:25). Iniisip ba ninyong makapagsisinungaling kayo sa Diyos? Alma 5:17. Kayo ay Diyos ng katotohanan, at hindi maaaring magsinungaling, Eter 3:12 (Blg. 23:19; 1 Sam. 15:29; Tit. 1:2; Heb. 6:18; Enos 1:6). Siya na nagsisinungaling at hindi magsisisi ay ititiwalag, D at T 42:21. Mamanahin ng mga sinungaling ang telestiyal na kaluwalhatian, D at T 76:81, 103–106. Kami ay naniniwala sa pagiging matapat, S ng P 1:13.