Mga Tulong sa Pag-aaral
Bilang, Mga


Bilang, Mga

Ang ikaapat na aklat sa Lumang Tipan. Isinulat ni Moises ang aklat ng Mga Bilang. Isinasalaysay sa aklat ng Mga Bilang ang kuwento ng paglalakbay ng Israel mula sa Bundok ng Sinai patungo sa kapatagan ng Moab sa hangganan ng Canaan. Isa sa mahahalagang aral na itinuturo nito ay dapat lumakad ang mga tao ng Panginoon sa pananampalataya, nagtitiwala sa kanyang mga pangako, kung sila ay makapagpapatuloy nang matagumpay. Nagsasalaysay ito ng kaparusahan ng Panginoon sa Israel dahil sa pagsuway at nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga batas ng Israelita. Hinango ang pangalan ng aklat mula sa mga bilang na ibinigay (Blg. 1–2, 26).

Nasasaad sa mga kabanata 1–10 ang paghahanda ng mga Israelita sa paglikas sa Sinai. Inilalarawan sa mga kabanata 11–14 ang paglalakbay, ang pagpapadala ng mga tiktik sa Canaan, at ang pagtanggi ng Israel na pumasok sa lupang pangako. Natatala sa mga kabanata 15–19 ang iba’t ibang batas at makasaysayang pangyayari. Ang mga kabanata 20–36 ay kasaysayan ng huling taon ng mga tao sa ilang.