Jose, Asawa ni Maria
Asawa ni Maria, na ina ni Jesus. Inapo si Jose ni David (Mat. 1:1–16; Lu. 3:23–38) at nanirahan sa Nazaret. Nakatakda siyang mapangasawa ni Maria. Bago pa sa kanilang kasal, nakatanggap si Maria ng dalaw mula sa anghel na si Gabriel, na siyang nagbalita na napili si Maria na maging ina ng Tagapagligtas (Lu. 1:26–35). Nakatanggap din si Jose ng paghahayag ng banal na pagsilang na ito (Mat. 1:20–25).
Si Maria lamang ang magulang ni Jesus sa mundo sapagkat ang Diyos Ama ang ama ni Jesus. Subalit iniisip ng mga Judio si Jose ang ama ni Jesus, at itinuturing siyang gayon ni Jesus (Lu. 2:48, 51). Binalaan sa pamamagitan ng mga panaginip na galing sa langit, pinangalagaan ni Jose ang buhay ng sanggol na si Jesus sa pagtakas patungo sa Egipto (Mat. 2:13–14). Matapos mamatay si Herodes, tinagubilinan ng isang anghel si Jose na dalhin ang batang si Cristo pabalik sa Israel (Mat. 2:19–23).