Mormon, (Mga)
Ang palayaw na Mormon ay nilikha ng mga taong hindi kasapi ng Simbahan na tumutukoy sa mga kasapi ng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang pangalang ito ay nanggaling mula sa banal na kasulatan na tinipon ng sinaunang propetang si Mormon at pinamagatang Ang Aklat ni Mormon. Ang pangalang ibinigay ng Panginoon na itatawag sa mga kasapi ng Simbahan ay “Banal.” Ang tamang pangalan ng Simbahan ay Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.