Matapat, Katapatan Tingnan din sa Matwid, Katwiran Ang maging tapat, totoo, at walang panlilinlang. Hanggang mamatay ako hindi ko aalisin ang aking katapatan sa akin, Job 27:5. Sila na nakikitungo nang tapat ay mga kaibig-ibig ng Panginoon, Kaw. 12:22. Lumalakad ang matwid na tao sa kanyang pagkamatapat, Kaw. 20:7. Bayaran ang yaong inyong ipinangako, Ec. 5:4–5. Iwinaksi namin ang mga itinatagong bagay ng kasinungalingan, 2 Cor. 4:1–2. Maging matapat sa inyong pakikipag-usap, 1 Ped. 2:12. Sa aba sa mga sinungaling, sapagkat siya ay itatapon sa impiyerno, 2 Ne. 9:34. Ang Espiritu ay nagsasabi ng katotohanan at hindi nagsisinungaling, Jac. 4:13. Sinuman ang manghiram sa kanyang kapitbahay ay nararapat na isauli ang bagay na kanyang hiniram, Mos. 4:28 (D at T 136:25). Tiyakin na kayo ay nakikitungo nang makatarungan, humahatol nang makatwiran at gumagawa ng mabuti, Alma 41:14. Sila ay mga lalaking matatapat sa lahat ng panahon sa anumang bagay na ipinagkatiwala sa kanila, Alma 53:20. Makitungo nang tapat ang bawat tao, D at T 51:9. Lahat ng yaong nakababatid na ang kanilang mga puso ay tapat ay tinatanggap ko, D at T 97:8. Dapat hanapin ang matatapat, matatalino at mabubuting tao para sa mga tungkuling pulitikal, D at T 98:4–10. Minamahal ng Panginoon si Hyrum Smith dahil sa katapatan ng kanyang puso, D at T 124:15. Masigasig na hanapin upang matagpuan ang yaong nawala sa iyong kapwa, D at T 136:26. Naniniwala kami sa pagiging matapat, S ng P 1:13.