Umasa o ilagay ang pagtitiwala sa isang tao o isang bagay. Sa mga bagay na espirituwal, kasama ng pagtitiwala ang umasa sa Diyos at sa kanyang Espiritu.
Bagamat ako’y patayin niya, magtitiwala pa rin ako sa kanya, Job 13:15 .
Higit na mabuting magtiwala sa Panginoon kaysa sa maglagay ng tiwala sa tao, Awit 118:8 .
Ang Panginoon ang iyong magiging pagtitiwala, Kaw. 3:5 .
Ang Panginoon ang iyong magiging tiwala, Kaw. 3:26 .
Iniligtas ng Diyos ang kanyang mga tagapaglingkod na nagtiwala sa kanya, Dan. 3:19–28 .
Ako ay magtitiwala sa inyo magpakailanman, 2Â Ne. 4:34 .
Nawala sa masasamang Nephita ang tiwala ng kanilang mga anak, Jac. 2:35 .
Magsaya at ibigay ang inyong tiwala sa Diyos, Mos. 7:19 .
Sinuman ang maglalagay ng kanilang pagtitiwala sa Diyos ay itataas sa huling araw, Mos. 23:22 .
Sinuman ang magbibigay ng kanilang tiwala sa Diyos ay tutulungan sa kanilang mga pagsubok, Alma 36:3, 27 .