Makapagtiis Tingnan din sa Pagdurusa; Tiyaga; Tukso, Panunukso Ang manatiling matatag sa pangakong magiging tapat sa mga kautusan ng Diyos sa kabila ng panunukso, labanan at pagdurusa. Siya na makapagtitiis hanggang wakas ay maliligtas, Mat. 10:22 (Mar. 13:13). Sila ay walang ugat at nakapagtiis subalit sa maikling panahon lamang, Mar. 4:17. Napagtitiisan ng pag-ibig sa kapwa-tao ang lahat ng bagay, 1 Cor. 13:7. Matapos na si Abraham ay matiyagang nakapagtiis, natamo niya ang pangako, Heb. 6:15. Kung sila ay makapagtitiis hanggang wakas, sila ay dadakilain sa huling araw, 1 Ne. 13:37. Kung kayo ay magiging masunurin sa mga kautusan, at magtitiis hanggang wakas, maliligtas kayo, 1 Ne. 22:31 (Alma 5:13). Kung kayo ay magpapatuloy sa paglakad, magpapakabusog sa salita ni Cristo, at magtitiis hanggang wakas, kayo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan, 2 Ne. 31:20 (3 Ne. 15:9; D at T 14:7). Sinuman ang magtataglay ng aking pangalan, at magtitiis hanggang wakas, ay maliligtas, 3 Ne. 27:6. Sinuman ang mananatili sa aking simbahan hanggang wakas, siya ay aking itatayo sa aking bato, D at T 10:69. Siya na nagtitiis sa pananampalataya ay mananaig sa sanlibutan, D at T 63:20, 47. Lahat ng luklukan at nasasakupan ay itatalaga sa lahat ng yaong magiting na nagtiis para sa ebanghelyo ni Jesucristo, D at T 121:29.