Juan Bautista Tingnan din sa Elias; Pagkasaserdoteng Aaron Ang anak nina Zacarias at Elizabet sa Bagong Tipan. Isinugo si Juan upang ihanda ang mga tao na tanggapin ang Mesiyas (Juan 1:19–27). Siya ang may hawak ng mga susi ng Pagkasaserdoteng Aaron at bininyagan si Jesucristo. Nagpropesiya si Isaias at ang iba pa ng misyon ni Juan, Is. 40:3 (Mal. 3:1; 1 Ne. 10:7–10; 2 Ne. 31:4). Ikinulong sa bilangguan at pinugutan ng ulo, Mat. 14:3–12 (Mar. 6:17–29). Ipinahayag ni Gabriel ang pagsilang at pagmiministeryo ni Juan kay Zacarias, Lu. 1:5–25. Itinuro ni Jesus na si Juan Bautista ay isang dakilang propeta, Lu. 7:24–28. Nakilala si Jesus bilang ang Anak ng Diyos, Juan 1:29–34. Naging mga disipulo ni Jesus ang mga disipulo ni Juan, Juan 1:25–29, 35–42 (Gawa 1:21–22). Hindi gumawa ng himala, Juan 10:41. Bilang isang taong nabuhay na mag-uli, ay isinugo upang ordenan sina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Pagkasaserdoteng Aaron, D at T 13 (D at T 27:7–8; JS—K 1:68–72). Inordenan sa pamamagitan ng isang anghel nang siya ay nasa gulang na walong araw, D at T 84:28.