Maaaring magkaroon ng dalawang kahulugan ang takot: (1) ang pagkatakot sa Diyos ay makadama ng paggalang at pagpipitagan sa kanya at sumunod sa kanyang mga kautusan; (2) ang matakot sa tao, mga panganib sa buhay na ito, sakit, at masama ay matakot sa gayong mga bagay at masindak sa mga ito.
Patuloy na pinupukaw ng mga propeta ang mga tao upang manatili sila sa pagkatakot sa Panginoon, Enos 1:23 .
Si Alma at ang mga anak ni Mosias ay nalugmok sa lupa dahil ang takot sa Panginoon ay nanaig sa kanila, Alma 36:7 .
Isakatuparan ang inyong kaligtasan nang may takot at panginginig, Morm. 9:27 .
Sila na mga hindi natatakot sa akin ay aking gagambalain at panginginigin, D at T 10:56 .
Siya na natatakot sa akin ay maghihintay sa mga palatandaan ng pagparito ng Anak ng Tao, D at T 45:39 .
Hindi natakot ang mga anak ni Helaman sa kamatayan, Alma 56:46–48 .
Napupuno ng takot sa kamatayan ang mga dibdib ng masasama, Morm. 6:7 .
Huwag matakot kung ano ang magagawa ng tao, Moro. 8:16 .
Hindi mo dapat kinatakutan ang tao nang higit sa Diyos, D at T 3:7 (D at T 30:1, 11 ; 122:9 ).
Huwag matakot na gumawa ng mabuti, D at T 6:33 .
Sinuman ang nabibilang sa aking simbahan ay hindi kinakailangang matakot, D at T 10:55 .
Kung kayo ay handa, kayo ay hindi matatakot, D at T 38:30 .
Alisan ang sarili ng takot, D at T 67:10 .
Magalak, at huwag matakot, sapagkat ako, ang Panginoon ay kasama ninyo, D at T 68:6 .
Huwag katakutan ang inyong mga kaaway, D at T 136:17 .