Mga Tulong sa Pag-aaral
Cornelio


Cornelio

Isang senturyon sa Cesarea, bininyagan ni Pedro (Gawa 10). Siya marahil ang kauna-unahang Gentil na sumapi sa Simbahan na hindi muna naniwala sa Judaismo. Ang binyag ni Cornelio at ng kanyang mag-anak ang hudyat ng pagbubukas ng daan upang maipangaral ang ebanghelyo sa mga Gentil. Si Pedro, na siyang punong Apostol, na may hawak ng mga susi ng kaharian ng Diyos sa mundo nang panahong yaon, ang nag-atas ng Pangangaral na ito.