Isang tawag na may malaking paggalang at parangal para sa Diyos Ama at sa Tagapagligtas na si Jesucristo. Ang tawag ay tumutukoy sa kanilang katayuan bilang kataas-taasan, mapagmahal na mga panginoon ng kanilang mga nilikha.
Walang bagay ang mahirap para sa Panginoon, Gen. 18:14 .
Nakipag-usap ang Panginoon kay Moises nang harapan, Ex. 33:11 .
Mahalin ninyo ang Panginoon ninyong Diyos, Deut. 6:5 (Mat. 22:37 ; Mar. 12:30 ).
Ngunit sa ganang akin at sa aking sambahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon, Jos. 24:15 .
Ang Panginoon ay aking pastol, Awit 23:1 .
Ang Panginoon ay malakas, makapangyarihan sa pakikibaka, Awit 24:8 .
Ang Panginoong Jehova ay aking lakas, Is. 12:2 (2Â Ne. 22:2 ).
Akong Panginoon ay inyong Tagapagligtas at inyong Manunubos, Is. 60:16 .
Sa Panginoon mong Diyos sasamba ka, Mat. 4:10 (Lu. 4:8 ).
Kaydakila ng mga bagay na ginawa ng Panginoon, Mar. 5:19 .
Iisa lamang ang Panginoong Jesucristo, 1Â Cor. 8:6 .
May isang Panginoon, isang pananampalataya, isang pagbibinyag, Ef. 4:5 .
Ang Panginoon din ang bababa na mula sa langit, 1Â Tes. 4:16 .
Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon, 1Â Ne. 3:7 .
Sa katwiran ay hahatulan ng Panginoon ang mga maralita, 2Â Ne. 30:9 .
Ang Panginoong Diyos, ang Diyos ni Abraham, ang nagligtas sa mga Israelita mula sa pagkaalipin, Alma 29:11 .
Walang makapagliligtas sa tao maliban sa pagsisisi at pananampalataya sa Panginoon, Hel. 13:6 (Mos. 3:12 ).
Si Abraham ay nakipag-usap sa Panginoon nang harapan, Abr. 3:11 .
Naniniwala kami na ang unang alituntunin ng ebanghelyo ay pananampalataya sa Panginoong Jesucristo, S ng P 1:4 .