Huwaran Isang halimbawa na maaaring sundan ng isang tao upang makatamo ng tiyak na kahihinatnan. Sa mga banal na kasulatan, ang huwaran ay kadalasang nangangahulugan ng isang halimbawa para sa pamumuhay sa isang paraan o paggawa ng isang bagay. Iniutos ng Panginoon kay Israel na gumawa ng isang tabernakulo alinsunod sa huwarang ipinakita kay Moises, Ex. 25. Ibinigay ni David kay Solomon ang huwaran ng paggawa ng templo, 1 Cron. 28:11–13. Sa akin ay maaaring ipakita ni Jesucristo ang huwaran sa mga yaong maniniwala sa kanya, 1 Tim. 1:16. Ako ay magbibigay sa inyo ng isang huwaran sa lahat ng bagay, nang hindi kayo malinlang, D at T 52:14.