Araw ng Sabbath
Isang banal na araw na inilaan sa loob ng isang linggo para sa pamamahinga at pagsamba. Matapos likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, namahinga siya sa ikapitong araw at nag-utos na ang isang araw sa loob ng isang linggo ay maging araw ng pamamahinga upang matulungan ang mga taong maalaala siya (Ex. 20:8–11).
Bago ang pagkabuhay na mag-uli ni Cristo, ipinangilin na ng mga kasapi ng Simbahan ang huling araw ng isang linggo bilang araw ng Sabbath, tulad ng ginawa ng mga Judio. Pagkaraan ng pagkabuhay na mag-uli, ang mga kasapi ng Simbahan, maging mga Judio o Gentil man, ay ipinangilin ang unang araw sa loob ng isang linggo (ang araw ng Panginoon) upang alalahanin ang pagkabuhay na mag-uli ng Panginoon. Patuloy na ipinangilin ng mga kasapi ng Simbahan ngayon ang isang araw sa loob ng isang linggo bilang isang banal na araw ng sabbath upang sambahin ang Diyos at mamahinga mula sa mga gawaing pandaigdig.
Ang Sabbath ay nagpapagunita sa tao ng kanilang pangangailangan para sa espirituwal na pagkain at sa tungkulin nilang sumunod sa Diyos. Kapag nagsimulang magpabaya ang isang bansa sa pagtupad sa Sabbath, ang buong pananaw ng buhay ay naaapektuhan at ang pangrelihiyong pamumuhay nito (Neh. 13:15–18; Jer. 17:21–27).