Binabanggit ng paghahayag sa huling araw ang tungkol sa impiyerno sa dalawang bagay lamang. Una, pansamantala itong tirahan sa daigdig ng mga espiritu para sa mga yaong hindi masunurin sa buhay na ito. Sa ganitong bagay, may katapusan ang impiyerno. Tuturuan ang mga espiritung naroon ng ebanghelyo, at balang araw kasunod ng kanilang pagsisisi, mabubuhay silang muli sa isang antas ng kaluwalhatian kung saan sila karapat-dapat. Ang mga yaong hindi magsisisi, subalit gayunpaman ay hindi mga anak na lalaki ng kapahamakan, ay mananatili sa impiyerno sa buong Milenyo. Pagkatapos nitong isanlibong taon ng pagdurusa, mabubuhay silang muli sa kaluwalhatiang telestiyal (D at T 76:81–86; 88:100–101).
Pangalawa, palagian itong kalalagyan ng mga yaong hindi natubos ng Pbabayad-sala ni Jesucristo. Sa ganitong bagay, palagian ang impiyerno. Para ito sa mga yaong natagpuang “marumi pa rin” (D at T 88:35, 102). Ito ang pook kung saan si Satanas, ang kanyang mga anghel, at ang mga anak na lalaki ng kapahamakan—ang mga yaong ikinaila ang Anak matapos ipahayag siya ng Ama—ay mananahan magpakailanman (D at T 76:43–46).
Tinutukoy minsan ng mga banal na kasulatan ang impiyerno na labas na kadiliman.