Mga Tulong sa Pag-aaral
Jeremias


Jeremias

Isang propeta sa Lumang Tipan na isinilang sa isang mag-anak ng mga saserdote at nagpropesiya sa Juda mula 626–586 B.C. Nabuhay siya malapit sa panahon ng iba pang mga dakilang propeta: Lehi, Ezekiel, Oseas, at Daniel.

Inordenan si Jeremias na maging propeta bago pa ang buhay na ito (Jer. 1:4–5). Sa loob ng kanyang mahigit-kumulang na apatnapung taon bilang propeta nagturo siya ng laban sa pagsamba sa diyus-diyusan at imoralidad sa mga taong Judio (Jer. 3:1–5; 7:8–10). Kailangan niyang harapin ang patuloy na panglalaban at pang-aalipusta (Jer. 20:2; 36:18–19; 38:4). Pagkatapos ng Pbagsak ng Jerusalem, dinakip ng mga Judiong tumakas patungo sa Egipto si Jeremias (Jer. 43:5–6), kung saan, alinsunod sa kaugalian, binato nila siya hanggang sa mamatay.

Ang aklat ni Jeremias

Naglalaman ang mga kabanata 1–6 ng mga ibinigay na propesiya sa panahon ng pamamahala ni Josias. Ang mga kabanata 7–20 ay mga propesiya sa panahon ni Joacim. Nauugnay ang mga kabanata 21–38 sa paghahari ni Zedekias. Naglalaman ang mga kabanata 39–44 ng mga propesiya at inilarawan ang mga makasaysayang pangyayari pagkatapos ng Pbagsak ng Jerusalem. Ang kabanata 45 ay naglalaman ng isang pangako kay Baruch, ang kanyang escriba, na pangangalagaan ang buhay ni Baruch. Sa wakas, ang mga kabanata 46–51 ay mga propesiya laban sa ibang mga bansa. Ang kabanata 52 ay isang pagwawakas sa kasaysayan. Nakalagay ang ilang propesiya ni Jeremias sa mga laminang tanso ni Laban na iningatan ni Nephi (1 Ne. 5:10–13). Nabanggit din si Jeremias nang dalawang ulit sa Aklat ni Mormon (1 Ne. 7:14; Hel. 8:20).

Isinama rin sa Aklat ni Jeremias ang isang pagkilala ng pagkakaroon ng tao ng buhay bago pa naging mortal at ang pag-oorden kay Jeremias sa simula pa (Jer. 1:4–5); isang propesiya sa pagbabalik ng Israel mula sa kalagayang nakalat, pagtitipong una ng isang lunsod at pangalawa ng mag-anak patungo sa Sion, isang kaaya-ayang lupain kung saan mananahanan nang ligtas at nang may kapayapaan ang Israel at Juda (Jer. 3:12–19); at isang propesiya tungkol sa Panginoon na tinitipon ang Israel mula sa mga bansang pahilaga sa pamamagitan ng pagsusugo ng maraming “mangingisda” at “mangangaso” upang hanapin sila (Jer. 16:14–21). Ang pangyayaring ito sa mga huling araw ay mas magiging malawak maging kaysa pagdadala ni Moises sa Israel palabas sa Egipto (Jer. 16:13–15; 23:8).