Ang galit ay ang pagpapakita ng init ng ulo. Binalaan ng Panginoon ang kanyang mga Banal na pigilin ang kanilang galit (Mat. 5:22 ). Ni magulang ni anak ay hindi nararapat magmalabis sa ibang kasapi sa mag-anak. Sa mga banal na kasulatan, ang galit ay malimit na may paglalarawan ng apoy (2 Ne. 15:25 ; D at T 1:13 ).
Labis na nagalit si Cain at namanglaw ang kanyang mukha, Gen. 4:5 .
Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob, Awit 145:8 .
Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot, Kaw. 15:1 .
Ang mainiting tao ay humihila sa pagtatalo, ngunit siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan, Kaw. 15:18 (Kaw. 14:29 ).
Dahil sa aking pangalan ay aking iuurong ang aking galit, Is. 48:9 .
Aking iniunat ang aking mga kamay sa bayan na minumungkahi akong palagi ng mukhaan, Is. 65:2–3 .
Sinuman sa iyo’y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kanya ang kabila, Mat. 5:39 .
Kayong mga ama huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, Ef. 6:4 .
Dahil sinabi ko sa inyo ang katotohanan kayo ay nagagalit sa akin, Mos. 13:4 .
Parurusahan ko ang mga taong ito sa aking galit, Alma 8:29 .
Wala sa kaninuman ang pag-aalab ng kanyang poot, maliban sa mga yaong hindi kumikilala ng kanyang ginawa sa lahat ng bagay, D at T 59:21 .
Ako, ang Panginoon, ay galit sa masasama, D at T 63:32 .