Nathan
Isang propeta sa Lumang Tipan sa panahon ni Haring David. Nang si David ay mag-alok na magtayo ng templo para sa Panginoon, ang Panginoon ay nagtagubilin kay Nathan na sabihin kay David na hindi siya ang magtatayo niyon. Kinagalitan din ni Nathan si David dahil siya ang naging sanhi ng kamatayan ni Uria, isa sa kanyang mga mandirigma, at sa kanyang pagkuha ng asawa ni Uria, na si Bath-sheba (2 Sam. 12:1–15; D at T 132:38–39). Si Sadoc, na kasama ni Nathan, ang nagpahid ng langis sa anak ni David na si Solomon upang maging hari (1 Hari 1:38–39, 45).