Pagpigil sa Pag-aanak Tingnan din sa Kasal, Pagpapakasal; Mag-anak Pagpipigil sa bilang ng mga anak ng mag-asawa sa pamamagitan ng pagtatakda o paghadlang sa paglilihi. Magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ang mundo, Gen. 1:28 (Moi. 2:28). Ang mga anak ay mga pamana mula sa Panginoon, Awit 127:3–5. Ang mag-anak ni Lehi ay magkakaroon ng mga binhi para sa Panginoon, 1 Ne. 7:1. Ang kasal ay inorden ng Diyos sa tao, D at T 49:15–17. Ang madadakila ay makatatanggap ng kaganapan at ng pagpapatuloy ng binhi magpakailanman at walang katapusan, D at T 132:19, 63.