Pagkakasala Tingnan din sa Magsisi, Pagsisisi Ang kalagayang nakagawa ng mali, o ang damdamin ng pagsisisi at kalungkutan na dapat kasama ng kasalanan. Nagkasala siya at siya ay may pagkakasala, Lev. 6:1–6. Kung sinuman ang kakain ng sakramento nang hindi karapat-dapat ay nagkasala sa katawan at dugo ni Jesus, 1 Cor. 11:27. Ang may kasalanan ay tumatanggap ng katotohanan nang may kahirapan, 1 Ne. 16:2. Tayo ay magkakaroon ng ganap na kaalaman ng lahat ng ating pagkakasala, 2 Ne. 9:14. Ang aking pagkakasala ay napalis, Enos 1:6. May kaparusahang nakaakibat na nagdadala ng taos na paggigiyagis sa budhi, Alma 42:18. Hayaang ang iyong mga kasalanan ang bumagabag sa iyo, na pangbabagabag na magdadala sa iyo sa pagsisisi, Alma 42:29. Ang ilan sa inyo ay may kasalanan sa harapan ko, subalit ako ay magiging maawain, D at T 38:14. Ang Anak ng Diyos ang nagbayad-sala para sa kauna-unahang pagkakasala, Moi. 6:54.