Kawalang-kamatayan, Walang Kamatayan Tingnan din sa Bayad-sala, Pagbabayad-sala; Jesucristo; Kaligtasan; Pagkabuhay na Mag-uli; Tiyak na Pagkamatay, May Kamatayan Ang mabuhay magpakailanman sa kalagayang nabuhay na mag-uli, hindi na muling magdaranas ng kamatayang pisikal. Siya ay nagbangon, Mar. 16:6. Mabubuhay ang lahat maging kay Cristo, 1 Cor. 15:22. Lululunin ang kamatayan kapag ang may kamatayang ito ay mailalagay sa kawalang-kamatayan, 1 Cor. 15:53–54. Inalis ni Cristo ang kamatayan at dinala ang kawalang-kamatayan, 2 Tim. 1:10. Ang kawalang-kamatayan ang panunumbalik ng espiritu sa katawan, 2 Ne. 9:13. Naging walang kamatayan ang mga espiritung sumama muli sa kanilang mga katawan, hindi na muling mamamatay, Alma 11:45. Ang matatapat ay puputungan ng kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan, D at T 75:5. Pababanalin at magiging walang kamatayan ang mundo, D at T 77:1 (D at T 130:9). Ang gawain at kaluwalhatian ng Diyos ay isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao, Moi. 1:39.