Mga Tulong sa Pag-aaral
Ilaw, Liwanag ni Cristo


Ilaw, Liwanag ni Cristo

Banal na lakas, kapangyarihan, o impluho na nanggagaling sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo at nagbibigay ng buhay at ilaw sa lahat ng bagay. Ito ang batas kung saan ang lahat ng bagay ay pinamamahalaan sa langit at sa lupa (D at T 88:6–13). Tinutulungan din nito ang mga tao na maunawaan ang mga katotohanan ng ebanghelyo at tinutulungang ilagay sila sa daan ng ebanghelyo na naghahatid sa kaligtasan (Juan 3:19–21; 12:46; Alma 26:15; 32:35; D at T 93:28–29, 31–32, 40, 42).

Ang ilaw ni Cristo ay hindi dapat ipagkamali sa Espiritu Santo. Ang ilaw ni Cristo ay hindi tao. Ito ay isang impluho na nanggagaling sa Diyos at naghahanda sa isang tao na makatanggap ng Espiritu Santo. Ito ay isang impluho para sa kabutihan sa buhay ng lahat ng tao (Juan 1:9; D at T 84:46–47).

Isang patunay na ang budhi ang ilaw ni Cristo, na tumutulong sa isang tao na pumili sa tama at mali (Moro. 7:16). Habang natututo ang tao tungkol sa ebanghelyo, ang kanilang budhi ay nagiging madaling makaramdam (Moro. 7:12–19). Ang mga taong nakikinig sa ilaw ni Cristo ay naaakay sa ebanghelyo ni Jesucristo (D at T 84:46–48).