Makasakit Makasira ng isang banal na batas, magkasala, o maging sanhi ng paghihirap o kapinsalaan; gayun din ang magpagalit o mang-inis. Ang isang kapatid na nasaktan ang kalooban ay mahirap mabawi kaysa matibay na bayan, Kaw. 18:19. At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay dukutin mo ito, Mat. 5:29. Sinumang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisimpalataya sa akin, mabuti pang siya ay lunurin sa dagat, Mat. 18:6 (D at T 121:19–22). Kung magkasala ang inyong kapatid na lalaki o kapatid na babae at umamin, kayo ay makipagkasundo, D at T 42:88. Walang sinuman ang makasasakit ng damdamin ng Diyos, maliban sa mga yaong hindi kumikilala ng kanyang gawain at hindi sumusunod sa kanyang mga kautusan, D at T 59:21.