Matwid, Katwiran Tingnan din sa Karapat-dapat, Pagiging Karapat-dapat; Kautusan ng Diyos, Mga; Kawalang-katwiran, Hindi Matwid; Lumakad, Lumakad na Kasama ng Diyos; Matapat, Katapatan Ang pagiging makatarungan, banal, malinis, makatwiran; sumusunod sa mga utos ng Diyos; umiiwas sa kasalanan. Pagpapalain ng Panginoon ang matwid, Awit 5:12. Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matwid, Awit 34:15, 17 (1 Ped. 3:12). Pagka ang matwid ay dumarami, ang bayan ay nagagalak, Kaw. 29:2 (D at T 98:9–10). Pinagpala ang nagugutom at nauuhaw sa katwiran, Mat. 5:6 (3 Ne. 12:6). Hanapin muna ang kaharian ng Diyos at ang kanyang katwiran, Mat. 6:33. Ang mga matwid ay sa buhay na walang hanggan, Mat. 25:46. Malaki ang nagagawa ng taimtim na panalangin ng taong matwid, Sant. 5:16. Siya na mabuti ay pinagpapala ng Diyos, 1 Ne. 17:35. Pangangalagaan niya ang mabubuti; hindi sila dapat matakot, 1 Ne. 22:17, 22. Dahil sa kabutihan ng mga tao ng Panginoon ay mawawalan ng kapangyarihan si Satanas, 1 Ne. 22:26. Kung walang katwiran ay walang kaligayahan, 2 Ne. 2:13. Magmamana ng kaharian ng Diyos ang mabubuti, 2 Ne. 9:18. Hindi natatakot ang mabubuti sa mga salita ng katotohanan, 2 Ne. 9:40. Kinakailangang mabago ang lahat ng tao sa pagiging mabuti, Mos. 27:25–26. Ang mga pangalan ng mabubuti ay masusulat sa aklat ng buhay, Alma 5:58. Kayo ay naghangad ng kaligayahan sa paggawa ng kasamaan, na salungat sa kalikasan ng kabutihan, Hel. 13:38. Ang awit ng mabubuti ay isang panalangin sa akin, D at T 25:12. Tumindig, na may baluti sa dibdib ng kabutihan, D at T 27:16 (Ef. 6:14). Ang kamatayan ng mabubuti ay magiging matamis para sa kanila, D at T 42:46. Ang mabubuti ay matitipon mula sa lahat ng bansa, D at T 45:71. Nararapat na isakatuparan ng mga tao ang maraming kabutihan sa kanilang sariling kalooban, D at T 58:27. Siya na gumagawa ng mga gawa ng kabutihan ay makatatanggap ng kapayapaan sa daigdig na ito at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating, D at T 59:23. Sa ikalawang pagparito, ay magkakaroon ng ganap na paghihiwalay ng mabubuti at ng masasama, D at T 63:54. Mapamamahalaan ang kapangyarihan ng langit nang alinsunod lamang sa mga alituntunin ng kabutihan, D at T 121:36. May kapayapaan sa gitna ng mabubuti, D at T 138:22. Namuhay sa kabutihan ang mga tao ng Sion, Moi. 7:18. Naging tagasunod ng kabutihan si Abraham, Abr. 1:2.