Homoseksuwalidad Tingnan din sa Mahalay, Kahalayan; Pakikiapid Seksuwal na pakikipag-ugnayan ng bawat isa sa may gayon ding kasarian. Ipinagbabawal ng Diyos ang ganitong uri ng gawaing seksuwal. Dalhin sila sa amin, upang makilala namin sila, Gen. 19:1–11 (Moi. 5:51–53). Huwag kang sisiping sa sangkatauhan; ito ay karumal-dumal, Lev. 18:22 (Lev. 20:13). Hindi dapat magkaroon ng Sodomita sa mga anak ni Israel, Deut. 23:17. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan katulad ng Sodoma, hindi nila ito maitatago, Is. 3:9 (2 Ne. 13:9). Pinag-aalab ang mga tao ng kanilang pagnanasa sa isa’t isa, Rom. 1:27. Hindi mamanahin ang kaharian ng Diyos ng mga nagmamalabis sa kanilang sarili kasama ang sangkatauhan, 1 Cor. 6:9–10. Hindi ginawa ang batas para sa isang matwid na tao, kundi para sa kanila na dinungisan ang kanilang sarili kasama ang sangkatauhan, 1 Tim. 1:9–10. Yaong mga humahayo sa tawag ng laman ay ibinigay bilang isang halimbawa, na magdaranas ng Phihiganti ng apoy na walang hanggan, Jud. 1:7.