Mga Tulong sa Pag-aaral
Plano ng Pagtubos


Plano ng Pagtubos

Ang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo, na binalangkas upang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao. Lakip nito ang Paglikha, Pagkahulog, at Pagbabayad-sala, kasama ang lahat ng batas, ordenansa at doktrina na ibinigay ng Diyos. Pinapangyari ng plano na ito na ang lahat ng tao ay madakila at mabuhay na walang hanggan na kasama ng Diyos (2 Ne. 2, 9). Tinutukoy rin ng mga banal na kasulatan ang plano na ito bilang plano ng kaligtasan, plano ng kaligayahan, at plano ng awa.