Pangangalunya Tingnan din sa Kalinisang-puri; Mahalay, Kahalayan; Pakikiapid Bawal na pakikipagtalik ng dalawang taong hindi kasal sa isa’t isa. Sa mga banal na kasulatan paminsan-minsan din itong ginagamit bilang isang sagisag ng lubusang pagtalikod sa katotohanan. Huwag mo akong lapastanganin, sapagkat ang ganitong bagay ay di dapat mangyari, 2 Sam. 13:12. Magsilayo mula sa pangangalunya, Gawa 15:20. Ang katawan ay hindi para sa pangangalunya, kundi para sa Panginoon, 1 Cor. 6:13–18. Upang maiwasan ang pangangalunya, hayaang magkaroon ng asawa ang bawat tao, 1 Cor. 7:2–3. Ito ang kalooban ng Diyos, upang mailayo kayo mula sa pangangalunya, 1 Tes. 4:3. Binalaan ni Jacob ang mga tao ni Nephi laban sa pangangalunya, Jac. 3:12. Kayo ay nahihinog na para lipulin dahil sa inyong mga pagpaslang at pangangalunya, Hel. 8:26. Kailangang magsisi ang mga nangangalunya upang makasapi sa Simbahan, D at T 42:74–78.