Paghihimagsik Tingnan din sa Bumulung-bulong; Diyablo; Kasalanan; Lubusang Pagtalikod sa Katotohanan Lumalabag o lumalaban sa Panginoon, kabilang na ang pagtangging sumunod sa mga pinili niyang pinuno at sadyang di pagsunod sa kanyang mga kautusan. Huwag kayong maghimagsik laban sa Panginoon, Blg. 14:9. Ang hinahanap ng masamang tao ay paghihimagsik, Kaw. 17:11. Sa aba sa mga mapanghimagsik na mga anak, Is. 30:1. Walang tinubos ang Panginoon na mga naghihimagsik laban sa kanya at namatay sa kanilang mga kasalanan, Mos. 15:26. Ang mga Amlicita ay lantarang naghimagsik laban sa Diyos, Alma 3:18–19. Ang mga mapanghimagsik ay babagabagin ng labis na pighati, D at T 1:3. Nagsisiklab ang galit ng Panginoon laban sa mga mapanghimagsik, D at T 56:1 (D at T 63:1–6). Naghimagsik si Satanas laban sa Diyos, Moi. 4:3.