Tukso, Panunukso Tingnan din sa Diyablo; Kalayaang Mamili; Makapagtiis Pagsubok sa kakayahan ng isang tao sa pagpili ng mabuti kaysa masama; panghihikayat magkasala at sumunod kay Satanas sa halip na sa Diyos. Huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama, Mat. 6:13 (3 Ne. 13:12). Hindi itutulot ng Diyos na kayo’y tuksuhin nang higit sa inyong makakaya, 1 Cor. 10:13. Si Cristo ay tinukso na gaya rin naman natin, Heb. 4:14–15. Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso, Sant. 1:12–14. Hindi magagapi ng mga tukso ng kaaway yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos, 1 Ne. 15:24 (Hel. 5:12). Ang tao ay hindi makakikilos para sa kanyang sarili maliban na siya ay nahikayat ng isa o ng iba, 2 Ne. 2:11–16. Magbantay at patuloy na manalangin, upang kayo ay hindi matukso nang higit sa inyong makakaya, Alma 13:28. Turuan silang paglabanan ang bawat tukso ng diyablo, sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo, Alma 37:33. Laging manalangin, baka kayo ay matukso, 3 Ne. 18:15, 18 (D at T 20:33; 31:12; 61:39). Mag-ingat sa kapalaluan, upang huwag kang matukso, D at T 23:1. Napasailalim si Adan sa kalooban ng diyablo, dahil siya ay nagpadala sa tukso, D at T 29:39–40. Naiwan ako sa lahat ng uri ng tukso, JS—K 1:28.