Mga Tulong sa Pag-aaral
Susi ng Pagkasaserdote, Mga


Susi ng Pagkasaserdote, Mga

Ang mga susi ay mga karapatan ng panguluhan, o ang kapangyarihang ibinigay sa tao ng Diyos upang mamatnugot, at pamahalaan ang pagkasaserdote ng Diyos sa mundo. Ang mga may taglay ng pagkasaserdote na tinawag sa mga katungkulan ng panguluhan ay tatanggap ng mga susi mula sa mga yaong may kapangyarihan sa kanila. Ginagamit ang pagkasaserdote ng mga may taglay nito roon lamang sa mga bagay na saklaw nito na ibinigay ng mga yaong may hawak ng mga susi. Ang Pangulo ng Simbahan ang nagtataglay ng lahat ng susi ng pagkasaserdote (D at T 107:65–67, 91–92; 132:7).