Bernabe
Pangalang ibinigay kay Jose (na tinatawag ding Joses), isang Levita ng Chipre, na ipinagbili ang kanyang lupain at ibinigay ang salapi sa mga Apostol (Gawa 4:36–37). Kahit na hindi siya isa sa mga orihinal na Labindalawang Apostol, siya ay naging isa ring Apostol (Gawa 14:4, 14) at naglingkod sa ilang mga pangmisyonerong gawain (Gawa 11:22–30; 12:25; 13–15; 1 Cor. 9:6; Gal. 2:1, 9; Col. 4:10).