Levi
Sa Lumang Tipan, ang pangatlong anak nina Jacob at Lea (Gen. 29:34; 35:23). Si Levi ay naging ama ng isa sa mga lipi ni Israel.
Ang lipi ni Levi
Binasbasan ni Jacob si Levi at ang kanyang mga inapo (Gen. 49:5–7). Ang mga inapo ni Levi ay naglingkod sa mga banal na lugar ng Israel (Blg. 1:47–54). Si Aaron ay isang Levita, at ang kanyang mga inapo ay mga saserdote (Ex. 6:16–20; 28:1–4; 29). Tumutulong ang mga Levita sa mga saserdote, na mga anak ni Aaron (Blg. 3:5–10; 1 Hari 8:4). Minsan sila ay gumaganap bilang mga musikero (1 Cron. 15:16; Neh. 11:22); pumapatay ng mga hain (2 Cron. 29:34; Ezra 6:20); at karaniwang tumutulong sa templo (Neh. 11:16). Ang mga Levita ay inilaan para sa paglilingkod sa Panginoon upang gawin ang mga ordenansa para sa mga anak ni Israel. Ang mga Levita rin ang nag-alay sa kanilang sarili para sa kapakanan ng mga anak ni Israel (Blg. 8:11–22); sila sa gayon ay naging kakaibang pag-aari ng Diyos, ibinigay sa kanya kapalit ng mga panganay na anak (Blg. 8:16). Hindi sila inilaan, kundi nilinis para sa kanilang tungkulin (Blg. 8:7–16). Wala silang lupaing mana sa Canaan (Blg. 18:23–24), subalit sila ang tumatanggap ng ikapu (Blg. 18:21), apatnapu’t walong lunsod (Blg. 35:6), at ang may karapatang tumanggap ng mga abuloy ng mga tao sa panahon ng pistahan (Deut. 12:18–19; 14:27–29).