Isipan Mga kakayahan ng pag-iisip; gising na kapangyarihan ng pag-iisip. Paglingkuran siya nang may sakdal na puso at kusang pag-iisip, 1 Cron. 28:9. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong pag-iisip mo, Mat. 22:37. Ang maging mahalay sa kaisipan ay kamatayan; at ang maging espirituwal sa kaisipan ay buhay na walang hanggan, 2 Ne. 9:39. Ang tinig ng Panginoon ay sumaisip ko, Enos 1:10. Ang salita ay higit na malakas ang bisa sa isipan ng mga tao kaysa sa espada, Alma 31:5. Sasabihin ko sa iyo sa iyong isipan, D at T 8:2. Pag-aralan ito sa iyong isipan, D at T 9:8. Hayaang ang mga kataimtiman ng kawalang-hanggan ay manatili sa inyong isipan, D at T 43:34. Ang inyong mga isipan sa mga nakaraang panahon ay naging madilim, D at T 84:54. Magpahinga sa inyong higaan nang maaga, gumising nang maaga upang ang inyong mga katawan at isipan ay mabigyang-lakas, D at T 88:124. Hindi alam ni Satanas ang isipan ng Diyos, Moi. 4:6. Tinawag ng Panginoon ang kanyang mga tao na Sion, sapagkat sila ay may isang puso at isang isipan, Moi. 7:18.