Ang magkaroon ng pananampalataya sa isang tao o tanggaping totoo ang isang bagay. Kinakailangang magsisi at maniwala ang isang tao kay Jesucristo upang maligtas sa kaharian ng Diyos (D at T 20:29 ).
Maniwala sa Panginoon ninyong Diyos; maniwala sa kanyang mga propeta, 2Â Cron. 20:20 .
Hindi nasaktan si Daniel sa yungib ng mga leon dahil sa naniwala siya sa Diyos, Dan. 6:23 .
Ayon sa iyong paniniwala, gayon ang sa iyo’y mangyayari, Mat. 8:13 .
Anumang iyong hihingin sa panalangin, na naniniwala, ay iyong tatanggapin, Mat. 21:22 .
Huwag matakot, maniwala lamang, Mar. 5:36 .
Ang lahat ng bagay ay mangyayari sa kanya na naniniwala, Mar. 9:23–24 .
Siya na naniniwala at nabinyagan ay maliligtas, Mar. 16:16 (2 Ne. 2:9 ; 3 Ne. 11:33–35 ).
Siya na naniniwala sa Anak ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan, Juan 3:16, 18, 36 (Juan 5:24 ; D at T 10:50 ).
Naniniwala kami at nakatitiyak na ikaw ang Cristo, Juan 6:69 .
Siya na naniniwala sa akin, bagama’t siya’y namatay, gayon man siya’y mabubuhay, Juan 11:25–26 .
Tayo na naniniwala ay nagsisipasok sa kapahingahan, Heb. 4:3 .
Maniwala kay Jesucristo at mag-ibigan, 1Â Juan 3:23 .
Walang lilipulin ang Mesiyas sa naniniwala sa kanya, 2Â Ne. 6:14 .
Uusigin ang mga Judio hanggang sa mahikayat silang maniwala kay Cristo, 2Â Ne. 25:16 .
Kung kayo ay naniniwala sa mga bagay na ito, tiyaking ito ay inyong gagawin, Mos. 4:10 .
Aakuin ng Anak sa kanyang sarili ang mga pagkakasala ng mga yaong naniniwala sa kanyang pangalan, Alma 11:40 .
Pinagpala siya na naniniwala sa mga salita ng Diyos nang hindi pinipilit, Alma 32:16 .
Kahit na wala kayong higit na nais kundi ang maniwala, hayaan na ang pagnanais na ito ay umiral sa inyo, Alma 32:27 .
Kung kayo ay naniniwala sa pangalan ni Cristo, kayo ay magsisisi, Hel. 14:13 .
Yaong mga naniniwala kay Cristo ay naniniwala rin sa Ama, 3Â Ne. 11:35 .
Kailanma’y hindi pa naniwala ang tao sa Panginoon na tulad ng kapatid ni Jared, Eter 3:15 .
Bawat bagay na humihikayat na maniwala kay Cristo ay isinugo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo, Moro. 7:16–17 .