Mga Tulong sa Pag-aaral
Lapastangan, Kalapastangan


Lapastangan, Kalapastangan

Pagsasalita ng walang pakundangan o walang pitagan sa Diyos o mga banal na bagay.

Ilang ulit na pinaratangan si Jesus ng mga Judio ng pagsasalita ng kalapastanganan dahil sa inangkin niya ang karapatang magpatawad sa mga kasalanan (Mat. 9:2–3; Lu. 5:20–21), dahil sa tinawag niya ang sarili na Anak ng Diyos (Juan 10:22–36; 19:7), at dahil sa sinabi niya na kanilang makikita siya na nakaupo sa kanang kamay ng kapangyarihan at paparito na nasa mga ulap ng langit (Mat. 26:64–65). Totoo sana ang mga paratang na ito kung hindi nga siya ang tunay na sinasabi niyang siya. Ang mga paratang na iniharap laban sa kanya ng mga bulaang saksi sa paglilitis sa harapan ng mga Sanedrin (Mat. 26:59–61) ay paglapastangan sa templo ng Diyos. Ang paglapastangan sa Espiritu Santo, na hayagang pagtatwa kay Cristo matapos na makatanggap ng ganap na kaalaman tungkol sa kanya, ay walang kapatawarang kasalanan (Mat. 12:31–32; Mar. 3:28–29; D at T 132:27).