Mga Tulong sa Pag-aaral
Kapalaluan


Kapalaluan

Kakulangan o kawalan ng kababaang-loob o pagkamadaling turuan. Ang kapalaluan ay nagtatakda sa tao na maging kaaway ng bawat isa at ng Diyos. Itinatalaga ng palalong tao ang kanyang sarili sa ibabaw ng mga yaong nakapalibot sa kanya at sinusunod ang kanyang sariling kalooban sa halip na ang kalooban ng Diyos. Ang pagmamalaki sa sarili, inggit, pagmamatigas ng Puso, at pagmamataas ay pangkaraniwan din sa isang taong palalo.