Tainga Tingnan din sa Makinig Sa mga banal na kasulatan, kalimitang ginagamit ang tainga bilang sagisag ng kakayahan ng isang tao na mapakinggan at maunawaan ang mga bagay ng Diyos. Sila’y may mga tainga, ngunit hindi sila nakaririnig, Awit 115:6. Ginising ng Panginoon ang aking tainga upang makinig, Is. 50:4–5 (2 Ne. 7:4–5). Siya na may mga tainga upang makarinig, hayaan siyang makinig, Mat. 11:15. Mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, Mat. 13:15 (Moi. 6:27). Hindi nakita ng mata ni narinig ng tainga ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa kanya, 1 Cor. 2:9 (D at T 76:10). Bumubulong ang diyablo sa kanilang mga tainga, 2 Ne. 28:22. Buksan ang inyong mga tainga upang kayo’y makarinig, Mos. 2:9 (3 Ne. 11:5). Ako ay tinawag nang maraming ulit, at ako ay tumangging makinig, Alma 10:6. Pakinggan ang aking mga salita, Alma 36:1 (Alma 38:1; D at T 58:1). Walang taingang hindi makaririnig, D at T 1:2. Nabubuksan ang mga tainga sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at panalangin, D at T 136:32.