Tamad, Katamaran Hindi gumagawa at hindi sumasama sa mabubuting gawain. Kung sinuman ang ayaw gumawa ni huwag din naman siyang kumain, 2 Tes. 3:10. Naging mga tamad silang mga tao, puno ng kalokohan, 2 Ne. 5:24. Magpigil mula sa katamaran, Alma 38:12. Siya na tamad ay hindi makakakain ng tinapay ng manggagawa, D at T 42:42. Sa aba ninyo na hindi nagpapagal sa sarili ninyong mga kamay, D at T 56:17. Maging sabik sa paggawa ng mabuti, D at T 58:27. Tumigil sa pagiging tamad, D at T 88:124.