Mga Tulong sa Pag-aaral
Manases


Manases

Sa Lumang Tipan, ang panganay na anak ni Asenath at Jose na ipinagbili sa Egipto (Gen. 41:50–51). Siya at ang kanyang kapatid na si Ephraim ay mga apo ni Jacob (Israel) ngunit inampon at pinagpala niya na parang sarili niyang mga anak (Gen. 48:1–20).

Ang lipi ni Manases

Ang mga inapo ni Manases ay ibinilang sa mga lipi ni Israel (Blg. 1:34–35; Jos. 13:29–31). Ang pagbabasbas ni Moises ng lipi ni Jose, na ibinigay rin kina Ephraim at Manases, ay natatala sa Deuteronomio 33:13–17. Ang kanilang minanang lupain ay nasa bahagyang kanluran ng Jordan at katabi ng kay Ephraim. Mayroon din silang mga lupang-sakop sa may silangan ng Jordan sa mayamang pastulan ng Basan at Gilead. Sa mga huling araw, ang lipi ni Manases ay tutulong sa lipi ni Ephraim sa pagtipon ng nakalat na Israel (Deut. 33:13–17). Ang propetang si Lehi sa Aklat ni Mormon ay isang inapo ni Manases (Alma 10:3).